Saturday, July 31, 2010

disi nwebe

Ayun, walang magawa kaya gumawa ulet ng kung ano ano at syempre pinagtripan na naman ang kanyang blog..

All i can say now is im happy, happy because after all these years eh natuto ako, sa labingsyam na taon kong nabuhay, i learned so much not only from people ive met but from my own experience. All i can say is im bit contented of what i have now, siguro youre wondrin' why i said that its "BIT". di pa kasi dumadating yung mga gusto kong mangyari..

20 days na lang at mawawala na ako sa pinakamemorable ko na edad. Edad na sobrang daming nangyari sakin. Edad na puno ng bitter and sweet memories.. eto lang naman ang mga highlights sa ika-labingsyam kong taon..

-i worked as an intern @ Convergys. I was able to met many people there and also, I was able to work with the recruitment team and the operations team. and all i can say is that im so happy with them...
-i met "RPR" in Convergys, he's my first. But I wasnt able to made that relationship long, cause we have different priorities in life..
-4th year college..ang pinakahuling taon ko sa kolehiyo, at ang pinakamahirap sa lahat..naranasan kong walang tulog matapos lang ang business plan, mag isip kung paano ang execution ng mga bagay..sobrang dami talaga ng nangyari sa 4th year college ko..sobrang saya kaso malungkot kasi ayun, last year na naming magkakaibigan.
-i won several awards nung intrams, syempre sa badminton un..hahahaha..
-march 24th, i met my second who really turned my world into everything..sobrang masayang masaya ako dahil naranasan ko maging complete everyday..na maramdaman ang sobrang inlove kahit malayo sya...i always thank god that i was able to met JT.. i love u bru bru:)
-grumaduate sa edad na ito..ayun, masaya kasi natapos na din ang paghihirap sa pag aaral..fulfill and complete!
-umaga nun ng mabalitaan kong magwowork na daw ako sa Convergys..shet! im so happy kasi magiging part na nila ako... for the record lang naman, im the youngest member of recruitment team in Convergys, at the of 19.
-ayun, broke up at maraming date at syempre maranasan sumahod!

basta sobrang masaya at syempre may halong lungkot kasi ganun naman talaga ang buhay...all i can say is that, IM HAPPY AND IM LIVING MY LIFE TO THE FULLEST!

Monday, July 12, 2010

anu na nga ba?

ayun...blog na naman..dunno, bakit ko sya naisipan gawin..siguro wala lang akong mapagsabihan kaya dito ko na lang ikwento..

itong mga nakaraang araw, nararamdaman ko na ung pagod at stress. nalilipasan na ako ng gutom pati nawawalan na din ako ng appetite pagdating ng dinner kaya natutulog na lang ako ng walang laman ang tyan..di ko alam kung ikakapayat ko ba to bat as of the moment, my body is still med-build.. hindi ako napayat at hindi rin ako nataba...

marami na ngang bagay ang nagbago simula nung nagseparate ways kame, ako eto parin nagpapakafeeling na ok na kahit hindi naman. pero pag naiisip ko na ok na siguro sya, sumasaya na din ako..atleast nawawala kahit papaano ung regrets sa desisyon ko..masakit parin, kasi wounded pa rin..time will heal all things na lang siguro ako..

im dating wid someone now, but i cant say na nakapagmove on na ako totally. dahil sya pa rin laman ng puso ko. kahit anu pa sabihin ng mga kasama ko na mag move on ka na, parang gusto ng isip ko pero ayaw ng puso ko... kaya minsan magulo ako, hirap kasi makaget-over sa bagay na alam mong importante sayu tapos mawawala bigla ng ganun ganun lang..

i miss singing...kantahan sya at magusap sa skype buong gabi..i miss everything about you, pero time na lang siguro makakapagsabi...siguro nga ganito talaga ang purpose nung nasa taas, kaya ako eto paunti unting tinatanggap..nasa 60% na ako.. kung papipiliin ako kung kaninu sa dalawa, mas pipiliin ko sya kasi naramdaman ko ung bagay na hindi ko naramdaman nung naging kami nung una ko..parang ako lang ung inlove nung naging kame pero nung dumating sya, naramdaman ko ang bagay na sobrang sarap paulit ulitin...

acceptance na lang siguro,kaya ako binubusy ko na lang sarili ko..dahil kapag hindi ako naging busy, malamang sya lagi ang iisipin ko! buti nga may work na ako at kahit papaano, nalelessen ung times na iniisip ko sya...

ang araw ko ngayun ay sobrang nakakapagod! i accommodate 130 applicants at what a record, walang walked-out..galing ko! naexceed ko na naman ang limitations ko..yehey.. love it!

babay..see yah next blog :)

Saturday, June 26, 2010

working to be okay...

PS: Dont read this if your not interested, Mas mabuti kung iclose mo na lang sya kesa lait laitin mo pa! Kung trip mo basahin, ito lang ang masasabi ko "sobrang mahal ko sya".

How should I start this story.. From the moment you are reading this, im pretty sure that im really not ok, though im working (instead of trying) it out... As the day goes by, bloom of the flowers is quickly dying, the roses are fading its color.. I dont know what im suppose to do, I dont know how to start this another chapter of my life...

Siguro nga may mga bagay na sadyang nagbabago at hindi natin ito maiiwasan pero dapat sa pagdating ng pagbabagong iyon eh handa tayu harapin ito. Pero ako, hindi ko pa sya kaya, hindi ko kaya tanggapin, ang hirap palubugin sa utak ko na tapos na, tapos na ang mga araw na baliw na baliw ako sa kanya. tapos na din ang mga araw na ang pakiramdam ko na eto na yun o, eto na. tapos na din ang mga araw na halos araw araw ko syang naiisip at higit sa lahat tapos na ang mga araw na halos "mahal kita" ang lagi naming sinasambit.

Ang sabi ko "Dont rush on things", pero bakit ganun? hindi naman ako nagmadali ah, hinintay ko din tong panahon na to, panahon na iibig ulit ako pero nawala, unti unti na syang nawawala. Pagkatapos ng pagkabigo nung highschool, pinilit ko ang sarili ko na maging ok, inayus ko ang sarili, mas minahal ko ang sarili ko pero ang tagal, ang tagal bago ko nasabing okay ako. Dahil kahit sinasabi ko na okay ako, hindi ko mapigilan umiyak. Umiyak dahil hindi ko alam kung naging tama ba ako. May mga araw na hindi ko na kayang itago ung emosyon ko, na akala ng tao porket tumatawa ako eh masayang masaya na ako pero hindi, tumatawa ako hindi para takasan ang nararamdaman ko kundi para ipakita sa iba na hindi ako mahina at emosyonal. Pero hindi eh, na akala ko sa bawat tawa ko eh unti unti syang mababawasan, pero andun pa rin sya, unti unting binabasag ang puso ko.

Bakit akala ko ito na yun, na im settling for good. Natuto na ako sa nakaraan pero bakit ganito pa rin ung nangyayari? hindi ko matanggap, napakatanga ko, napaka bobo pagdating sa bagay na ito. Akala mo kung sinu napakagaling magpayo sa mga kaibigan tungkol sa ganito pero ang sarili hindi kayang payuhan. Diba? Kahit ikaw lumagay sa pwesto ko, ganito din siguro mararamdaman mo. After waiting for several years, after sacrificing many things ganito pa rin sya. Ang hirap sobra, mahal mo yung tao pero kailangan gawin mo ito hindi para sa sarili mo kundi para sa ikakabuti nya. Nagiging sobra na ba akong mapagbigay, na pati sarili kong kaligayahan pinagpapalit ko na sa kalungkutan. Nangungulila na ako, ulilang ulila na. Sa mga panahon na binabasa nyu to, hindi mapigilan ng luha kong tumulo. Tumulo dahil pinakawalan ko na naman ang isang bagay na alam kong para sakin, para sakin na sya pero nawala, nawala na sya.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya, ang dami kong gustong gawin. Hindi ko mapigilan umiyak talaga. akala ko sa paggising ko ok na ako, akala ko magbabago na ung pakiramdam ko, pero hindi pala. Umiiyak na pala ako habang nag aayus ng sarili ko, bakit ganun? anu bang nangyayari sakin? lumalabas na naman ang kahinaan ko. Akala ko ba handa na ako, pero bakit ganito ang pakiramdam, walang wala na ako.

Hindi na ako makapagsalita, hindi ko na magawang ngumiti dahil unti unti ng lumalabas ang kahinaan ko, kahinaan na kailangan ko ulit paglabanan...At sana sa mga susunod na araw, magawa ko ng maging okay.

Isa lang ang masasabi ko sa kanya: HINDI PORKET GINAWA KO ANG DESISYON NA YUN EH SA DAHIL HINDI KITA MAHAL, GINAWA KO YUN PARA SAYO. PARA SA IKABUBUTI MO NA KAHIT SOBRANG SAKIT PARA SAKIN, PINIPILIT KO NA MAGING OK ANG LAHAT. MAHAL KAYA KITA SOBRA, PERO KAILANGAN EH. KAHIT NA NASASAKRIPISYO NA UNG PANSARILI KONG KALIGAYAHAN, BASTA KUNG PARA SAYO, GAGAWIN KO KASI MAHAL KITA EH..SORRY AH, GAGO LANG :'(

Thursday, March 25, 2010

I Lásku Vám BRU!

How should I start this blog? Hindi ko kasi maisip what is the best intro for this blog.. For the past days I did not blog, there are lot of things happened which I really dont expect to happen..From knowing and falling in love with my bru..

I really dont know bakit nagkaganito ako. Though bru is too far away from my location. Marami sigurong bagay ang hindi na kelangan ng explanasyon at lalo na pag puso na yung pinag uusapan..

I didnt expect this to happen, falling in love to a person whom I really dont know. Pero ganun pala talaga, love will always find a way to know that person.. Masaya ako dahil andyan na si bru ko pero malungkot kasi malayo sya sakin but still I shall be optimistic in these terms..I already decided and I will accept any consequences it have...basta ang sa akin mahal ko siya, hindi ko lang alam kung siya rin..hahahahaha!

Now, I have the reason to wake up with a smile on my face, Go on and live life to the fullest and To Love again. Mahal ko siya and I believe that hindi to sufficient para iexpress ko sa kanya ang nararamdaman ko pero ano ang magagawa ko, eh di isulat na lang ang mga bagay na nilalaman ng puso ko. Anu naman masama sa long distance relationship, basta andun ung trust. It will work out. I will wait for my bru.. Masaya ako dahil nakita ko na sya, masaya ako dahil andyan sya at masaya ako dahil alam ko na mahal nya ako. I love u bru and I will love u so much :)

"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the heart." - Helen Keller

"Distance is not for the fearful, it is for the bold. It's for those who are willing to spend a lot of time alone in exchange for a little time with the one they love. It's for those knowing a good thing when they see it, even if they don't see it nearly enough"

Monday, March 22, 2010

WHAT'S IN YOUR MIND!

Grabe sobrang napakaraming bagay ang nasa utak ko ngayun. I dont know how to start this but sa pag usad nito siguro may maiisip na akong sabihin at simulan...



Naiinis ako dahil ang cellphone ko nasira. Not actually na nasira sya talaga na sirang sira..Nasira kasi yung backlight nya. I already ask the technician how much it will cost if in case I ask them to repair it, and to my surprise it costs 500-1200 pesos. S*it! wala pa akong pera at lalong di ko papalitan ng LCD yan dahil hindi naman talaga LCD ang may problema, backlight lang..Nakakapagtext pa nga ako kaso kailangan maliwanag para makita ko kung anu yung tinatype ko... BIG DAMN SH*T!

Naassign na naman ako gumawa ng script for the FINANCIAL MANAGEMENT report.. naiinis ako dahil wala na ako sa mood gumagawa ng mga kaek ekan pero anu pa bang magagawa ko kundi sumunod for the sake of my group and my groupmates! AKO NA LANG PARATI! ampupu=(

Wala na ako makatext sa GLOBE! kaya one of these days eh magshift na ulit ako sa TNT! Ok na din un dahil for 4 consecutive days eh nakaUNLI ako...MAYAMAN!

Ang dami ko ng social networking sites..Hindi ko alam kung papaano imamanage un..Medyo bagot ako sa PLURK! ampeste! kailangan pa may KARMA! Sisikat din yan mga SNS na yan katulad ng pagusbong ng FACEBOOK!!





SANA GRADUATION NA KASI EH! amp amp amp!

Saturday, March 20, 2010

FIRST TIME AGAIN?

I really dont know what happened to my recent postings here...Mukang sa tinagal tagal ng di ko pag online eh ayan ang napala ko..marami tuloy akong namiss na mga istorya na pwedeng pwedeng ipamblog.. But for now, let's start again sa umpisa.. Again, if you really dont like my blog, you are free to leave now as in NOW! pero kung trip mong basahin eh GO lang!

Yesterday, my day was kinda weird... Inaantok ka pero yung isip mo eh pinupush kang gumising parin.. Yesterday also was a bit dramatic...Pinanood ko kasi yung Miss You Like Crazy..it was really an inspiring though dramatic film... It was truly inspiring kasi I realize that destiny will make its way para magkatagpo ang destined sa isa't isa.. Nakakaiyak din sya sa part na parang naguguluhan na si Mia Samonte (Bea Alonzo) kung pipiliin nya bang magpakalayo at tuluyan iwanan si Alan Alvarez (John Lloyd Cruz.. pero the whole story was good..Mas kilig pa rin sakin yung A walk to remember kesa jan...

BTW..39 days na lang at graduation na..yipee :)..Planning to work in a call center but I will also apply in office...Malapit na malapit na yun...

PS: Non censure is the french term of Uncensored which is also the title of my friendster blog :) see u nxt tym :D