Saturday, June 26, 2010

working to be okay...

PS: Dont read this if your not interested, Mas mabuti kung iclose mo na lang sya kesa lait laitin mo pa! Kung trip mo basahin, ito lang ang masasabi ko "sobrang mahal ko sya".

How should I start this story.. From the moment you are reading this, im pretty sure that im really not ok, though im working (instead of trying) it out... As the day goes by, bloom of the flowers is quickly dying, the roses are fading its color.. I dont know what im suppose to do, I dont know how to start this another chapter of my life...

Siguro nga may mga bagay na sadyang nagbabago at hindi natin ito maiiwasan pero dapat sa pagdating ng pagbabagong iyon eh handa tayu harapin ito. Pero ako, hindi ko pa sya kaya, hindi ko kaya tanggapin, ang hirap palubugin sa utak ko na tapos na, tapos na ang mga araw na baliw na baliw ako sa kanya. tapos na din ang mga araw na ang pakiramdam ko na eto na yun o, eto na. tapos na din ang mga araw na halos araw araw ko syang naiisip at higit sa lahat tapos na ang mga araw na halos "mahal kita" ang lagi naming sinasambit.

Ang sabi ko "Dont rush on things", pero bakit ganun? hindi naman ako nagmadali ah, hinintay ko din tong panahon na to, panahon na iibig ulit ako pero nawala, unti unti na syang nawawala. Pagkatapos ng pagkabigo nung highschool, pinilit ko ang sarili ko na maging ok, inayus ko ang sarili, mas minahal ko ang sarili ko pero ang tagal, ang tagal bago ko nasabing okay ako. Dahil kahit sinasabi ko na okay ako, hindi ko mapigilan umiyak. Umiyak dahil hindi ko alam kung naging tama ba ako. May mga araw na hindi ko na kayang itago ung emosyon ko, na akala ng tao porket tumatawa ako eh masayang masaya na ako pero hindi, tumatawa ako hindi para takasan ang nararamdaman ko kundi para ipakita sa iba na hindi ako mahina at emosyonal. Pero hindi eh, na akala ko sa bawat tawa ko eh unti unti syang mababawasan, pero andun pa rin sya, unti unting binabasag ang puso ko.

Bakit akala ko ito na yun, na im settling for good. Natuto na ako sa nakaraan pero bakit ganito pa rin ung nangyayari? hindi ko matanggap, napakatanga ko, napaka bobo pagdating sa bagay na ito. Akala mo kung sinu napakagaling magpayo sa mga kaibigan tungkol sa ganito pero ang sarili hindi kayang payuhan. Diba? Kahit ikaw lumagay sa pwesto ko, ganito din siguro mararamdaman mo. After waiting for several years, after sacrificing many things ganito pa rin sya. Ang hirap sobra, mahal mo yung tao pero kailangan gawin mo ito hindi para sa sarili mo kundi para sa ikakabuti nya. Nagiging sobra na ba akong mapagbigay, na pati sarili kong kaligayahan pinagpapalit ko na sa kalungkutan. Nangungulila na ako, ulilang ulila na. Sa mga panahon na binabasa nyu to, hindi mapigilan ng luha kong tumulo. Tumulo dahil pinakawalan ko na naman ang isang bagay na alam kong para sakin, para sakin na sya pero nawala, nawala na sya.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya, ang dami kong gustong gawin. Hindi ko mapigilan umiyak talaga. akala ko sa paggising ko ok na ako, akala ko magbabago na ung pakiramdam ko, pero hindi pala. Umiiyak na pala ako habang nag aayus ng sarili ko, bakit ganun? anu bang nangyayari sakin? lumalabas na naman ang kahinaan ko. Akala ko ba handa na ako, pero bakit ganito ang pakiramdam, walang wala na ako.

Hindi na ako makapagsalita, hindi ko na magawang ngumiti dahil unti unti ng lumalabas ang kahinaan ko, kahinaan na kailangan ko ulit paglabanan...At sana sa mga susunod na araw, magawa ko ng maging okay.

Isa lang ang masasabi ko sa kanya: HINDI PORKET GINAWA KO ANG DESISYON NA YUN EH SA DAHIL HINDI KITA MAHAL, GINAWA KO YUN PARA SAYO. PARA SA IKABUBUTI MO NA KAHIT SOBRANG SAKIT PARA SAKIN, PINIPILIT KO NA MAGING OK ANG LAHAT. MAHAL KAYA KITA SOBRA, PERO KAILANGAN EH. KAHIT NA NASASAKRIPISYO NA UNG PANSARILI KONG KALIGAYAHAN, BASTA KUNG PARA SAYO, GAGAWIN KO KASI MAHAL KITA EH..SORRY AH, GAGO LANG :'(

No comments:

Post a Comment